Lunes, Hulyo 2, 2012

meilleurs amis


"GUSTO NIYO BANG GRUMADUATE NG MAY SAMAAN TAYO NG LOOB?"

Bungad ko para lang maumpisahan ang mahabang usapan, paliwanagan, opinion, diskusyon at kung ano pang dapat pag usapan nung hapong 'yon sa taas ng walls sa Intramuros.

Alam na kapag naggrupo kameng anim, ng SERYOSO, ibig sabihin may dapat kaming pag usapan. Kami kasi yung barkadang palaging joker sa classroom. Kaya naman napakabihira samin na mag usap usap ng dibdiban.

Naalala ko nung huli namen tong ginawa. Naiyak pa yung isa. sabagay iyakin talaga sya sa twing naggaganito kameng barkada. Kanina nga eh, naiyak din siya.

Yung usapan namin ngayon, SERYOSO.
Kahit hindi kasi sabihin nung lima, ramdam ko na may nasaktan, may hindi pa din nakakamove on, may kinikimkim lang, may gustong sabihin, may nangulangot.

Pero ano bang masasabi ko?

Ayoko lang mawala tong mga to sa buhay ko. :"))

20 REASONS WHY I LOVE BIGSIX


1. They accepted me. Kahit minsan hindi din kanais nais ang ugali ko, anjan pa din sila.
2. They love me. Mula sa pagflood sakin ng texts na late na ko hanggang sa pagpapakopya kapag may exams. naasahan ko sila.
3. With them, I can be in my most craziest. Walang hiyaan dahil walanghiya kaming anim :P
4. I am on my happiest whenever I am with them.  Oo totoo to, kahit korni :P
5. Open forums. Hindi ko alam pano to nagsimula pero automatic na kapag nagkaproblema, may open forum na kasunod
6. Overnights to remember. Kahit madalas na wala si Dan, yung every convo kapag nag oovernight kame = memorable.
7. Panget si Patty. Palagay ko hindi magiging super saya ng barkadang to kundi ganun ang itsura ni Pat. hahaha! :))))
8. Weirdo si Dan. Monggi si Dan. Sped si Dan. Yes, sorry sa mga nagkakagusto sa kanya, may saltik siya sa totoo lang. (Sorry pat! :P)
9. Si bea, weirdo din... ang taste. hahaha! No further explanation LOL
10. Si Klinton, bakla. Kung di siguro naging bading si ton, hindi rin siguro ganun kasaya :D
11. Si Yao Ming ay isang piranha. No further explanations.
12. Pinakamaganda si Dai. Period. :))
13. Tumagal kame ng 4 years, pero hindi kami naging B.I. sa bawat isa. Walang yosi, walang alak :) 
14. Ang mahal ng isa, susuriin muna ng lima :) Ganun kame kahigpit sa mga pumapasok sa circle namen bwahahaha XD
15. Parang magsyota, may future din kameng plinaplano magbabarkada. Magkikita kita kame sa Glorietta, kakain sa aveneto. Same time, same place :)
16. Dahil iiyak ako sa graduation. Sa totoo lang kapag naiisip ko naluluha na ko :P
17. Sinusuportahan namin ang bawat isa. Alam niyo yan?  kahit ilang bese kameng natalo ni ton, nakikiiyak kayo samin, OA kayo. hahahaha! :)
18. Mahal namin si tita Sonia. Siya ang ultimate nanay ng bigsix. (Penge pong macaroni para sa exposure sa blog ko)
19. Tagaytay, Batangas, Puerto, Hundred Island... Marami pa tayo pupuntahan together :)
20. Bestfriends ko kayo. :)

Madami pa akong reasons na gustong ilagay kaso masyado pang maaga para magdrama. :)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento