Biyernes, Mayo 6, 2011

si BUBBLES, si KHARLO, si LOLO si MICHAEL

bata pa 'ko nun mga 8 yrs. old palang. Ang lakas nung ulan, signal no.9!
 nakita kong may tuta sa labas ng bahay namen, ngumingiyaw naiwan yata nung nanay niya. Nakalagay pa siya sa basket may locket sa tabi na may nka engrave na pangalan, "bubbles".
si bubbles ang unang una 'kong pag-aari. askal xang mukang chihuahua, color brown tapos brown din yung mata.Tuwang tuwa ako nun pag sinisira niya yung mga tsinelas sa gate namen ang cool kasi! feeling ko anlakas niya :) tinatabihan ko pa yun matulog, pag nasa sala xa, dun din ako. isang tanghali binigyan ako ng daddy ko ng 500 pesos, bilin ko daw kahit anong gusto 'ko. inaya ko agad si mama bumili nung bagong labas na sapatos, yung may gulong?
Paslide akong umuwi nun sa bahay namen gamit ung may gulong kong rubber shoes kapalit pla nun yung pinakauna 'kong pag aari, si bubbles. askal syang mukang chihuahua, color brown tapos brown din yung mata.
iniyakan ko yun hanggang mag 9 yrs old ako. 10...11...12... first year high school.


Mugto pa din yung mga mata ko kapag naalala ko si bubbles. pero ang mga bata plang kaidad ko nun iba ung iniiyakan.Si "kharloyung pinakapogi 'kong kaibigan, amputi nun tapos lageng naka-gel
 andumi lage nung polo niya kakalaro. mas matanda siya sakin ng dalawang taon pero parehas kaming isip kinder. Kay kharlo ko natutunan yung mga bagay na hanggang ngayon dala dala ko pa din sakin. Tinuruan niya 'kong maghugas ng kamay, bago at pagkatapos naming kainin yung baon ng classmate namin. tinuruan niya 'kong magsabi ng "PLEASE" sabi niya sabihin ko daw yun lage kapag my papabili 'ko. higit sa lhat tinuruan niya ;kong wag magmura, magmahal ung natutunan ko sa kanya. Umalis at nag aral ng pagpipiloto sa ibang bansa si kharlo. Yung pinakapogi 'kong kaibigan, amputi nun tapos lageng naka-gel, andumi lage nung polo niya kakalaro.

Dun ko nalaman laht nga pala ng bagay may katapusan. Mapapasay ka saglit peo saglit lang wala na din agad yung saya .. para kang nagskating,. ang saya mong nagsslide tapos madadapa ka, may sugat. nandun pa din yung saya pero yung sakit may marka.

hindi ko iniyakan yung pagkawala ni kharlo, iniyakan ko yung pagkawala nung kaibigan 'ko. umiyak ako sa bisig ni "loloyung lolo'kong matapang pero payat tapos malaki yung leeg. Nag-iisa siya. siya lang ung payatot na siga. takot ako sa kanya pero mahal na mahal ko siya. pag pinapagalitan ako na mama ko nun pinapagalitan din niya yung mama ko :D siguro nga mali yun pero sa isip ko nun tama yun . ganun nman yata talga, nakikita natin yyung mali kapag tayo yung tama pero hindi natin nakikita yung tama pag tayo yung mali.

Sa tuwing pagmamasdan ko si lolo,napapansin ko kagad yung leeg niya.anlaki kasi nun, yun pala sakit yun. may goiter si lolo. si lolo ang laging nagpapaalala sakin sa kahalagahan ng edukasyon. sabi niya wag na wag daw akong aabsent. pero sinuway ko si lolo. pumunta ko nun ng sm tapos binilan ko xa ng card yung may nakalagy na "for the best lolo" . gusto kong gumising sa bangungot na nkita ko nung pumasok ako sa kwarto niya.si lolo ko? payat, hindi buto ... para kong tumitingin sa mummy. di nagsasalita, lubog yung mga pisngi tapos kitang kita sa mga mata niya yung lungkot. gusto 'kong umiyak pero sabi ni lola wag daw baka daw malungkot lalo si lolo, nakayuko kong inabot sa kanya yung dala ko. di ko na napigil nung nakita kong ngumiti siya sakin at pautal na sinambit ...


ingat ka apo ...

namatay si lolo ng hindi kami nakakapagpaalam sa isa't isa. umiyak ako, umiiyak ako.. kapag naalala ko si lolo yung matapang pero payat tapos malaki yung leeg.


natuto tuloy ako dapat pala hindi give and take pag nagmamahal, dapat pala hindi manghihingi ng sukli.


dalaga na 'ko nun, mga 16 yrs. old na. ang init kahit gabi 78 degrees na. nakakaita ako ng lalaki sa tapat ng bahay namin, may suot na necklace tapos may naka-engrave "michael"


ang buhay mahalaga ang buhay

kakagising ko lang NANAMAN.
ganito 'ko bago magsulat, jumble jumble yung mga topic sa utak ko. parang sinasapak ako para pumikit. angmaganda lang dun pagdilat 'ko kala ko patay na ko kasi langit agad yung natatanaw ko. dito kasi ko sa rooftop ng bahay namen naglalatag ng kabaong.

yung rooftop namen palasyo 'ko yun. dun ako naglalasing sa pikit, dun ako humihithit ng hikab.
dun ko din kinakanta yung ambisyon 'ko, dun ko sinasayaw yung katotohanan :)

hindi ko lubos maisip kung bakit sa kabila ng paglobo ng populasyon, humahabol naman sa kanya yung death rate. panu ba naman? ambabata nung mga nabubuntis kagad. ambabata din nung mga namamatay agad ...

naalala ko nun bago ko grumaduate ng high school,may batchmate ako na sa sobrang excite (cguro?) grumaduate di na nakapaghintay kaya niregaluhan nya yung mga magulang niya ng death note. araw bago mag graduation? libing niya...

nakakainis isipin na siya yung nagdesisyon ng kapalaran niya.(syempre mas nakakainis kung ako magddecide db? lol) nagmartsa sya papunta kay kamatayan ng ganun ganun na lang.

ni hindi niya naranasang magbayad ng bahay at lupa para sa tuition fee.
hindi niya naranasang pumasok sa klase ng mugto yung mata kasi nkipagtxtmate sa iba yung kachat niya.
hindi niya naranasang masampal ng nanay kasi umuwi siya ng maaga,mga alas dos ng madaling araw.
hindi niya naranasan lahat ng SAYA...

kung iisipin namin maigi (kaming dalawa kung nbubuhay pa xa) bata pa lang tayo alam na natin kung paano maging masaya. naalala niyo pa yung pabunot? tapos may number yung mga laruan? hihingi at hihingi tayo ng piso kay mama para lang mabunot laruan sa number 678 na kung bibilangin mo ay doble na nung bunutan na 300 lang yung pwedeng bunutin. para sakin ganun yung saya. magbabayad ka muna ng gintong tuition fee bago ka makakilala ng makukulit at masarap pagtripang mga kaklase. iiyak ka muna ng isang galon na nagkakahalaga ng 25php libre ung delivery bago ka matutong maging matapang para magmahal ulit. masasampal ka muna ni nanay ng sampung ulit baliktaran pataas pababa bago mo manamnam ng husto yung saya ng pagsuway mo sa curfew.

bakit pa kailanagn nung ibang maglaslas ng pulso? uminom ng panlinis ng silver, magbigti tumalon sa building, magbaril, umutot/ eh isang pikit lang wala na yung problema? tulog mu yan.zzzzzzzzzzzzzzzzzzz :))