Biyernes, Marso 23, 2012

DON'T HATE, APPRECIATE.


this thank you note is what i wrote after the elections, no need to further explain, just read :*



"ang bobo ng CAS"
*facepalm tapos iyak....

ganyan ang eksena ko matapos malamang hindi si Boss ang nanlong presidente sa aming kolehiyo.

Ang pagtakbo sa council ay isa sa pinakamalaking hamon na tinggap ko sa buhay ko, not once, not twice but THRICE. oo tatlong beses, walang panalo.

I'm not sad nor mad of what happened kasi para sakin God has reasons.

Every february humaharap ako sa tao, naglalove love love para iboto, alam kong may hangarin ako, may kakayanan at gusto ko ng pagbabago. ang matalo ng isang beses ay masakit na, ano pa kaya yung tatlo? pero sa totoo lang hindi ko kinakahiya ang pagkatalo.

hindi naman porket natalo ka sa election incompetent ka na. may ibat ibang level ang isip ng tao. may ibat ibang dahilan sila ng pagboto.

DON'T HATE. APPRECIATE.

sabi ko nga kanina hindi ako galit sa nangyari :)

naapreciate ko ang bawat boto, nagpapasalamat ako sa lahat ng tao na nagtiwala at nagshade ng letter P sa posisyon ng vice president sa CAS.

naapreciate ko ang kalaban ko si Harry, isa siyang tunay na gentleman. napakabait niya at nagpapasalamat ako na siya ang nakalaban ko sa huling election na tinakbuhan ko. isa rin si harry sa dahilan kung bakit kampante ako na natalo ako sa posisyon bilang presidente, alam ko kasi na mabait si harry, maganda ang ugali niya.at isa sa katangian ng isang leader ay ang may respeto sa kapwa.

naapreciate ko ang tapang ni Boss. ang faith niya kay God. ang passion niya to serve at higit sa lahat ang kind and humble heart ni Boss. dahil sa kanya kaya ako umiyak kagabi, gusto ko siyang manalo, kahit hindi na ko (taraya parang teleserye ahaha) pero totoo, kasi alam ko na Boss is just perfect for the position.

naapreciate ko ang buong PAMANA. sila ang pamilya ko :') sa tatlong taon kong pagtakbo lagi silang nasa likod ko. sumusuporta at naniniwala sa kakayahan ko MAHAL NA MAHAL KO ANG PAMANA :) hindi ako magiging ganito kundi dahil sa kanila. sa PAMANA ko nalaman ang pasikot sikot ng buhay pulitika, sa pamana ko nalaman ang true definition ng pagkakaibigan at sa pamana ko naramdaman ang totoong saya ng pamilya :')

babawiin ko nalang ang hate statement na bobo ang CAS. una sa lahat hindi 100% ng population ang bumoto may 40% lang yata so wala ding kabuuan, maaring ang 60% ay wala lang pakialam, hindi rin naten alam kung samin pala ang 60% haha :D hindi bobo ang CAS, maaring bulag pero hindi bobo :)

ginawa ko lang naman ang post na to para magpasalamat sa inyo.
SAYO na nagcriticize sakin- thank you at natuto kong iaapreciate ang constructive criticism,

SAYO na bumoto sa kbilang partido- atlis naging parte ka ng eleksyon, desisyon mo yan susuportahan nalang kita.

SAYO na nanalong council, hindi na tayo magkakalaban dito. congratulations sayo, may position ka na, sana pagbutihin mo. at palagi mo sanang tandaan na ang pagiging leader ay nangangailangan din ng respeto hindi lang sa mga naniniwala sayo kundi pati sa mga kalaban mo.

SAYO na naniwala sakin at bumoto, pasensya na hindi tayo nakaabot. pero salamat pa di hindi naman kita bibiguin :)

SAYO na naniniwala pa din na ako dapat, mag move on nalang tayo at pumunta sa batallia royale! yeah :P

at SAYO na nagbabasa nito, maaring madagdagan ang haters ko o marealize mo na tapos na ang election time na ng pagpapasalamat sa Kanya. :) thank you.

tapos na ang election, time to move on for everything happens for a reason. love love love ♥

Linggo, Marso 18, 2012

School shiznits. 02: Di madali ang MassCom tangina niyo.

Medyo ginaganahan akong dumaldal about sa school sa araw na ito. HAHA

Para sa maikling kwento, I'm a 3rd year broadcasting major dito sa Harvard. (lakas hahaha) Yes, mag oojt na ko sa summer. HINDI AKO EXCITED. Sa katunayan hindi ko pa inaasikaso yung requirements for OJT. Hindi ko alam, tinatamad ako.  Tinatamad ako kasi hindi ko na alam kung anong gusto ko,

Nung bata ako, gusto ko maging doctor, tapos lawyer, tapos nurse, tapos nag enroll ako ng MassCom, very related naman di ba?

Udyok to ng mga teacher ko nun e. Sinunod ko naman kasi gusto ko din naman yung mga gagawin. Totoo nga, minahal ko ang buhay MassCom, kaya kung sino mang magsasabing MassComportable sa bahay kameng mga MassCom. Fuck you po.

Hindi madali, Mahirap. Pero Walang Katumbas na Saya ang pagiging MassCom student. Hindi mo naman kakailanganin ng mathematical equations, scientific methods at kung ano pa man. Pure Creativity, Sipag, Tiyaga, Baon sa School, Kapal ng muka at Passion. ayan lang ang kailangan. Simple di ba?

Mahal ko ang course ko. Pero hindi ko pa din alam kung anong gusto ko.

Gusto ko maging director, scriptwriter at DJ. Pero hindi ko alam kung anong nangyayari sakin ngayon. Marami akong iniisip, akala nila tinatamad ako pero tinatamad talaga ako. hahahaha kidding aside, hindi ko pa talaga alam saan ang punta ko.

iniisip ko na kasi ang natitira kong 1 year sa school, papasa kaya ako sa thesis? maganda kaya yung mapipili kong elective? Malilista ba ko sa list of graduates? Maganda kaya kalalabasan ng creative shot ko?

Bwiset.

School shiznits.

recently i turned 18, young, wild and LEGAL. i am so thirsty before to reach this age, kasi it feels so cool. magiging legal ka na sa mga bagay bagay. Yosi, inom and endless gimmicks. Life right?  Pwede ka na nga din mag asawa e. loljk

I may be excited. But it's more like i will miss a lot of things, my childhood in particular. my teenage days.

Usapang school muna, punyeta dati kumakamot na ulo ko sa dibayded by term ng division. eh ngayon pati letters included na sa mathematical equation. A=bx + 12, shit di ba? ang sakit lang sa ulo, lalo na sakin na ayaw ng math kaya nga ako nag masscom e? hihi.

Sa science naman yung living things dati keri lang sakin, e pucha ngayon pati chemical components ng uod aalamin mo e. Pakshet lang. Pakshet lang talaga.

O sige usapang GMRC, Religion, Christian Living. nung bata ako takot na takot akong magmura, gumawa ng masama, and all that shit. ngayon? tangina lang kahit professors mo sa ganyang subject nagmumura e. pano mo seseryosohin?:)

Napakadaling pumasa sa elementary, bigyan lang ng mami mo ng ulam si teacher sureball ka ng may spot sa top 10. sa highschool madali lang din pumasa, kopya kopya lang tamad naman kasi magcheck sila ma'am at sir. mas gusto pa nilang magchikahan. Pero ibahin nio yung usapan sa college..

Sa college, may sarili kang buhay. Pumasok ka kung gusto mo, kung ayaw mo naman wala silang paki. Ikaw ang may hawak ng oras mo. Piliin mo yung mga subjects na gusto mo, kung gusto mo nung Tanduayice101 ok lang, o kung gusto mo ng MarlboroLight56N ook lang din. Pero walang sisihin kung mapag iiwanan ka. Sa college kasi tinuturuan tayong maging Professionals, desisyon mo na kung kakaririn mo.

Ang nakakainis lang dito, hindi na tayo elementary at highschool. Wala na dapat libro! Joke :P

naniniwala kasi ako na hindi mo matututunan sa 4 na sulok ng classroom na may aircon na bulok ang lahat ng kailangan mong baunin kapag natapos mo na ang college. So why limit your learnings in a hardbound, boring, small fonts and typo errored books? dont get me wrong. bookworm ako. kung gano ko kamahal ang Paris, sumunod na dun ang libro. Ang sakin lang, Kung gagamit din naman ng libro para sa isang subject, wag naman abusuhin. wag naman iasa sa author ang ituturo mo, wag naman maging redundant, nababasa na nga ng mga studyante sa libro ee, irerecite nio pa. sir/ma''am anong peg? Parrot? >:)

Obserbasyon ko lang to bilang isang studyante. hindi naman siguro masama di ba? constructive criticism kumbaga :) kasi mas okay sa allright naman talaga kung based on your own experiences naten nirerelate ang mga tinuturo naten sa mga estudyante. Konting consideration, mahal mahal ng binabayad nila e. penge naman ng worth it learnings :)

kaya ako love ko ang Practitioners na professors <3 may favoritism? ahaha