Linggo, Setyembre 30, 2012

Wala to.

Bukas gigising ako ng wala ng bubungad na "Good morning honey, I love you" message sakin.
Kakain ako ng tanghalian ng walang nagsasabing "Damihan mo ha"
Uuwi ako ng bahay ng walang magpapaalalag "Mag Ingat ka sa pagtawid ha"

Bukas, ako nalang mag isa,

Wala na kong katext hanggang madaling araw, wala na kong kasamang magsimba pag Linggo. Wala na kong pupuntahan tuwing Martes. Wala na kong kukulitin kapag ayaw ko gumawa ng homeworks. Wala na kong kasamang magplaplano ng pupuntahan para sa mga susunod na buwan. Wala ng susundo sakin. Wala ng bibilan ako ng gamot pag nagkakasakit ako. Wala na kong aawayin. Wala na kong kapalitan ng I Love You at I Miss You. Wala na akong dapat abangang anniversary sa October 19 :(

Wala nang magsasabi saking tumahan na ko, wala na kong kasama manood ng sine, wala na kong kajamming sa food trip, wala na kong kahati sa panyo, wala ng hahawak ng kamay ko. 

T_________________________________________________________T

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento