recently i turned 18, young, wild and LEGAL. i am so thirsty before to reach this age, kasi it feels so cool. magiging legal ka na sa mga bagay bagay. Yosi, inom and endless gimmicks. Life right? Pwede ka na nga din mag asawa e. loljk
I may be excited. But it's more like i will miss a lot of things, my childhood in particular. my teenage days.
Usapang school muna, punyeta dati kumakamot na ulo ko sa dibayded by term ng division. eh ngayon pati letters included na sa mathematical equation. A=bx + 12, shit di ba? ang sakit lang sa ulo, lalo na sakin na ayaw ng math kaya nga ako nag masscom e? hihi.
Sa science naman yung living things dati keri lang sakin, e pucha ngayon pati chemical components ng uod aalamin mo e. Pakshet lang. Pakshet lang talaga.
O sige usapang GMRC, Religion, Christian Living. nung bata ako takot na takot akong magmura, gumawa ng masama, and all that shit. ngayon? tangina lang kahit professors mo sa ganyang subject nagmumura e. pano mo seseryosohin?:)
Napakadaling pumasa sa elementary, bigyan lang ng mami mo ng ulam si teacher sureball ka ng may spot sa top 10. sa highschool madali lang din pumasa, kopya kopya lang tamad naman kasi magcheck sila ma'am at sir. mas gusto pa nilang magchikahan. Pero ibahin nio yung usapan sa college..
Sa college, may sarili kang buhay. Pumasok ka kung gusto mo, kung ayaw mo naman wala silang paki. Ikaw ang may hawak ng oras mo. Piliin mo yung mga subjects na gusto mo, kung gusto mo nung Tanduayice101 ok lang, o kung gusto mo ng MarlboroLight56N ook lang din. Pero walang sisihin kung mapag iiwanan ka. Sa college kasi tinuturuan tayong maging Professionals, desisyon mo na kung kakaririn mo.
Ang nakakainis lang dito, hindi na tayo elementary at highschool. Wala na dapat libro! Joke :P
naniniwala kasi ako na hindi mo matututunan sa 4 na sulok ng classroom na may aircon na bulok ang lahat ng kailangan mong baunin kapag natapos mo na ang college. So why limit your learnings in a hardbound, boring, small fonts and typo errored books? dont get me wrong. bookworm ako. kung gano ko kamahal ang Paris, sumunod na dun ang libro. Ang sakin lang, Kung gagamit din naman ng libro para sa isang subject, wag naman abusuhin. wag naman iasa sa author ang ituturo mo, wag naman maging redundant, nababasa na nga ng mga studyante sa libro ee, irerecite nio pa. sir/ma''am anong peg? Parrot? >:)
Obserbasyon ko lang to bilang isang studyante. hindi naman siguro masama di ba? constructive criticism kumbaga :) kasi mas okay sa allright naman talaga kung based on your own experiences naten nirerelate ang mga tinuturo naten sa mga estudyante. Konting consideration, mahal mahal ng binabayad nila e. penge naman ng worth it learnings :)
kaya ako love ko ang Practitioners na professors <3 may favoritism? ahaha
Linggo, Marso 18, 2012
School shiznits.
Mga etiketa:
college,
math,
professors,
school,
science
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento