Linggo, Marso 18, 2012

School shiznits. 02: Di madali ang MassCom tangina niyo.

Medyo ginaganahan akong dumaldal about sa school sa araw na ito. HAHA

Para sa maikling kwento, I'm a 3rd year broadcasting major dito sa Harvard. (lakas hahaha) Yes, mag oojt na ko sa summer. HINDI AKO EXCITED. Sa katunayan hindi ko pa inaasikaso yung requirements for OJT. Hindi ko alam, tinatamad ako.  Tinatamad ako kasi hindi ko na alam kung anong gusto ko,

Nung bata ako, gusto ko maging doctor, tapos lawyer, tapos nurse, tapos nag enroll ako ng MassCom, very related naman di ba?

Udyok to ng mga teacher ko nun e. Sinunod ko naman kasi gusto ko din naman yung mga gagawin. Totoo nga, minahal ko ang buhay MassCom, kaya kung sino mang magsasabing MassComportable sa bahay kameng mga MassCom. Fuck you po.

Hindi madali, Mahirap. Pero Walang Katumbas na Saya ang pagiging MassCom student. Hindi mo naman kakailanganin ng mathematical equations, scientific methods at kung ano pa man. Pure Creativity, Sipag, Tiyaga, Baon sa School, Kapal ng muka at Passion. ayan lang ang kailangan. Simple di ba?

Mahal ko ang course ko. Pero hindi ko pa din alam kung anong gusto ko.

Gusto ko maging director, scriptwriter at DJ. Pero hindi ko alam kung anong nangyayari sakin ngayon. Marami akong iniisip, akala nila tinatamad ako pero tinatamad talaga ako. hahahaha kidding aside, hindi ko pa talaga alam saan ang punta ko.

iniisip ko na kasi ang natitira kong 1 year sa school, papasa kaya ako sa thesis? maganda kaya yung mapipili kong elective? Malilista ba ko sa list of graduates? Maganda kaya kalalabasan ng creative shot ko?

Bwiset.

4 (na) komento:

  1. HAHAHA. I dread the same things. Tsaka, buti pa kayo may thesis. Samin kasi wala, eh shit, hinahanap sa private companies especially pag for researcher.

    -Asia

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang hirap di ba? kung kelan 1 year na lang saka pa nagkagulo ang goals ko. Well.. naku buti kayo walang thesis! haha sa akin ok lang kung interesting naman yung topic e kaso amboring ng topics na inaaprove.boo.. ngayon ko lang nalaman na hinahanap pala siya s companies ah. =)))

      Burahin
  2. haha. parang ako lang ah. good luck and have a great year :)

    TumugonBurahin