kaya mo yan isang araw pa lang eh, gawin mo na yan araw araw
wala pa sigurong isang minuto ng mabasa ko to. kakatulo lang nga ng luha ko eh :') masakit pala kapag totoo na.
we started like typical couples. except siguro mabilis yung samen. One day lang. Walang ligawin. pareho kasi kaming hindi naniniwala sa courtship, makikilala mo naman talaga yung totoong ugali ng isang tao kapag kayo na.
Sa loob ng 2 years and 10 months, siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko :') literally? umikot nga sa kanya ang mundo ko. naalala ko nung unang anniversary namen, 1 week naming sinelebrate! HAHAHA week-long parang artista lang. pero un ang pinakamasayang linggo ko. bukod sa pagbili ng cake, ice cream, movie marathon at sandamakmak na picture taking, pinakamaganndang regalo niya sakin ay yung nag plano kami ng future.. akala ko nga magkasama kami sa future ko eh, hindi na pala :|
nung hinwakan niya ko habang naglalakad kami sa walls ng intramuros akala ko hindi na niya ko bibitawan. akala ko lang pala yun.
nung sinabi niya sakin na hindi na kami maghihiwalay, joke lang pala yun.
nung binuo ko na yung mga pangarap ko kasama siya, wala lang pala yun. akala ko kasi kami na :(
honestly? hindi ko alam kung anong nangyari samen. hindi ko din naman alam pano ko iddescribe. ganito nalang, para kaming mga pasahero ng LRT. dati sabay kami bababa ng Central station. ngayon? pa-monumento siya, pa-baclaran ako. sabay man kami sumakay, magkaiba naman kami ng pupuntahan NGAYON. syempre pinilit kong itago sa lahat ng kakilala namen yung totoong estado naming dalawa. sabi ko nga sa sarili ko "kaya ko 'to mag-isa"
ang hirap labanan nung lungkot, ang hirap tanggapin nung totoo. ang hirap magsimula ulit, knowing na ako nalang mag isa,wala na kong kasamang magsimba, katext hanggang umaga, kaambagan kapag bibili ng damit o kakain sa fine dining. wala na siya, wala ng kami, wala na lahat. punyeta napakahirap naman pala :/ araw araw pa to?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento