Biyernes, Marso 23, 2012
DON'T HATE, APPRECIATE.
this thank you note is what i wrote after the elections, no need to further explain, just read :*
"ang bobo ng CAS"
*facepalm tapos iyak....
ganyan ang eksena ko matapos malamang hindi si Boss ang nanlong presidente sa aming kolehiyo.
Ang pagtakbo sa council ay isa sa pinakamalaking hamon na tinggap ko sa buhay ko, not once, not twice but THRICE. oo tatlong beses, walang panalo.
I'm not sad nor mad of what happened kasi para sakin God has reasons.
Every february humaharap ako sa tao, naglalove love love para iboto, alam kong may hangarin ako, may kakayanan at gusto ko ng pagbabago. ang matalo ng isang beses ay masakit na, ano pa kaya yung tatlo? pero sa totoo lang hindi ko kinakahiya ang pagkatalo.
hindi naman porket natalo ka sa election incompetent ka na. may ibat ibang level ang isip ng tao. may ibat ibang dahilan sila ng pagboto.
DON'T HATE. APPRECIATE.
sabi ko nga kanina hindi ako galit sa nangyari :)
naapreciate ko ang bawat boto, nagpapasalamat ako sa lahat ng tao na nagtiwala at nagshade ng letter P sa posisyon ng vice president sa CAS.
naapreciate ko ang kalaban ko si Harry, isa siyang tunay na gentleman. napakabait niya at nagpapasalamat ako na siya ang nakalaban ko sa huling election na tinakbuhan ko. isa rin si harry sa dahilan kung bakit kampante ako na natalo ako sa posisyon bilang presidente, alam ko kasi na mabait si harry, maganda ang ugali niya.at isa sa katangian ng isang leader ay ang may respeto sa kapwa.
naapreciate ko ang tapang ni Boss. ang faith niya kay God. ang passion niya to serve at higit sa lahat ang kind and humble heart ni Boss. dahil sa kanya kaya ako umiyak kagabi, gusto ko siyang manalo, kahit hindi na ko (taraya parang teleserye ahaha) pero totoo, kasi alam ko na Boss is just perfect for the position.
naapreciate ko ang buong PAMANA. sila ang pamilya ko :') sa tatlong taon kong pagtakbo lagi silang nasa likod ko. sumusuporta at naniniwala sa kakayahan ko MAHAL NA MAHAL KO ANG PAMANA :) hindi ako magiging ganito kundi dahil sa kanila. sa PAMANA ko nalaman ang pasikot sikot ng buhay pulitika, sa pamana ko nalaman ang true definition ng pagkakaibigan at sa pamana ko naramdaman ang totoong saya ng pamilya :')
babawiin ko nalang ang hate statement na bobo ang CAS. una sa lahat hindi 100% ng population ang bumoto may 40% lang yata so wala ding kabuuan, maaring ang 60% ay wala lang pakialam, hindi rin naten alam kung samin pala ang 60% haha :D hindi bobo ang CAS, maaring bulag pero hindi bobo :)
ginawa ko lang naman ang post na to para magpasalamat sa inyo.
SAYO na nagcriticize sakin- thank you at natuto kong iaapreciate ang constructive criticism,
SAYO na bumoto sa kbilang partido- atlis naging parte ka ng eleksyon, desisyon mo yan susuportahan nalang kita.
SAYO na nanalong council, hindi na tayo magkakalaban dito. congratulations sayo, may position ka na, sana pagbutihin mo. at palagi mo sanang tandaan na ang pagiging leader ay nangangailangan din ng respeto hindi lang sa mga naniniwala sayo kundi pati sa mga kalaban mo.
SAYO na naniwala sakin at bumoto, pasensya na hindi tayo nakaabot. pero salamat pa di hindi naman kita bibiguin :)
SAYO na naniniwala pa din na ako dapat, mag move on nalang tayo at pumunta sa batallia royale! yeah :P
at SAYO na nagbabasa nito, maaring madagdagan ang haters ko o marealize mo na tapos na ang election time na ng pagpapasalamat sa Kanya. :) thank you.
tapos na ang election, time to move on for everything happens for a reason. love love love ♥
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Amen!
TumugonBurahinPlease join my new giveaway, if you haven't yet:
http://wonderwomanrises.blogspot.com/2012/03/soleil-flats-easter-giveaway.html