Biyernes, Hunyo 22, 2012

Isang walang kwentang entry

Wala akong ibang gustong gawin kundi umiyak, wag umimik, at kumain ng ice cream.

Napaisip ako, sobrang weirdo ko pala. Kahit anong ingay ko, kapag tinoyo ako ayokong kumakausap ng kahit na sino. Naiinis ako sa bawat tao. Hindi ko maexplain, parang tanga lang kasi yung ganung ugali ko.

Umuwi ako kagabi na hindi nakakaipag usap sa kahit na sino. Umupo sa sahig ng kwarto at hinayaang umagos ang luha na sumira sa eyeliner ko. oo ganun kadrama yung eksena. Gustong gusto kong umiiyak. dun ko lang nalalabas lahat ng nararamdaman ko. ang sarap ng pakiramdam pagkatapos ng iyak, parang relieved kahit papano.

Kelan ba ko huling umiyak bukod so kagabi? Ah... nung isang linggo lang halos. nung buryong buryo ako sa nangyayari. Gusto ko na talaga umayaw. Masyado na rin kasi akong napupuno. Pero sabi nila Think positive. Kapag naiisip ko yung positive, mas mahirap mag let go.

Kelan ba ko huling umiyak ng grabe bukod sa kagabi? Ah... nung isang buwan yata. Nung lumayas yung daddy ko sa bahay. Iyak ng inis, ng acceptance at ng galit yun. Iniwan niya kame eh, tangina. All these time, kala ko masaya family namen. Akala ko lang pala. Parang gusto ko nun manabunot ng babae na umagaw ng masayang family. Parang gusto ko siya iuntog sa bawat poste ng post office.

Kelan ba ko huling umiyak ng grabe bukod sa kagabi pero tears of joy? Ah... nung nakaraang taon. Debut ko yun. Hindi ako nagparty. Ayoko. Pumunta ko sa isang home for the aged. Pinakain ko yung mga lolo't lola. Binigyan sila ng konting regalo, nakipagkwentuha, at madami akong natutunan. Naiyak ako nun kasi inabutan ako ng lolo ng rosary sabi niya gabayan daw sana ako nun lagi.

Lagi ko ngang dala yun. Kahit san ako pumunta hindi ko iniiwan. Feeling ko kasi safe ako kapag dala ko yun.

Kelan ba ko umiyak ng grabe? Kagabi yun. Ang sakit kasi. Sobra.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento