Sabado, Hunyo 16, 2012

Ang Pag-Ibig parang bulbol, magulo.

Cheeseburger at french fries ang naging animo'y pulutan namin ng ilan sa malalapit kong kaibigan habang may lungkot sa kwento ng isa, na sinabayan pa ng nakakabinging katahimikan naming mga tagapakinig niya.

Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa isang taong sobrang nasasaktan. Sa isang taong alam mong may pinagdaraanan.Ang hirap kasi iestimate, ianalyze, intindihin, suriin ng isang sitwasyon lalo na kung hindi mo pa naman nararansan yun.

Gusto ko na rin lang sanang makiiyak nalang, tumatagos din kasi sa puso ko yung mga eksena. Nasasaktan din ako, nalulungkot, naiinis, nasasayangan at napapaisip kung bakit nga ba sobrang unfair ng buhay naten.

Ang magmahal ng isang tao ay isa lang sa maraming quiz na hinahain satin ni God. Kapag nagmahal ka kasi, binubuksan mo yung buhay mo sa isang taong pinili mong maging parte nun. Ang masakit dun, hindi mo sigurado kung hanggang kailan nila gugustuhin maging parte ng buhay mo. Pucha hindi ko talaga maexplain kung ano ang love.

Ang gulo ng pag ibig, para nga talagang bulbol. Magmamahal tayo ng taong di naman talaga laan para satin, sasaktan lang yung damdamin natin. Matuto man tayo, may sugat pa rin. Masakit pa rin. Hindi ba pwedeng magmahal tayo nung taong para satin na talaga. Yung walang problema.

Going back, yung moment na lam kong pinipilit lang maging malakas nung kaibigan ko sa harap namen? Hindi ko maexplain. Gusto ko siyang murahin at sabihing "Tangina mo ilabas mo yan! Nasasaktan ka! Mahal kita, nasasaktan din ako para sayo!" Ramdam ko kasi siya. Hindi ko man alam gano kasakit yung pinagdaraanan niya, alam kong masakit pa din. Ang gulo ko magexplain, para rin akong bulbol.

Iniwan namin ang Mcdonalds ng may di maintindihang emosyon ang bawat isa. Nangingibabaw yung lungkot pero di mo naman maitatago yung saya. May mga realization na pwede pala, may mga luha na pumatak dahil sa inis, may mga salitang pinili nalang naming wag bigkasin. Habang naglalakad kami palabas ng Intramuros, sabi ko sa sarili ko, hindi ko makakalimutan ang gabing ito.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento