nakita kong may tuta sa labas ng bahay namen, ngumingiyaw naiwan yata nung nanay niya. Nakalagay pa siya sa basket may locket sa tabi na may nka engrave na pangalan, "bubbles".
si bubbles ang unang una 'kong pag-aari. askal xang mukang chihuahua, color brown tapos brown din yung mata.Tuwang tuwa ako nun pag sinisira niya yung mga tsinelas sa gate namen ang cool kasi! feeling ko anlakas niya :) tinatabihan ko pa yun matulog, pag nasa sala xa, dun din ako. isang tanghali binigyan ako ng daddy ko ng 500 pesos, bilin ko daw kahit anong gusto 'ko. inaya ko agad si mama bumili nung bagong labas na sapatos, yung may gulong?
Paslide akong umuwi nun sa bahay namen gamit ung may gulong kong rubber shoes kapalit pla nun yung pinakauna 'kong pag aari, si bubbles. askal syang mukang chihuahua, color brown tapos brown din yung mata.
iniyakan ko yun hanggang mag 9 yrs old ako. 10...11...12... first year high school.
Mugto pa din yung mga mata ko kapag naalala ko si bubbles. pero ang mga bata plang kaidad ko nun iba ung iniiyakan.Si "kharlo" yung pinakapogi 'kong kaibigan, amputi nun tapos lageng naka-gel andumi lage nung polo niya kakalaro. mas matanda siya sakin ng dalawang taon pero parehas kaming isip kinder. Kay kharlo ko natutunan yung mga bagay na hanggang ngayon dala dala ko pa din sakin. Tinuruan niya 'kong maghugas ng kamay, bago at pagkatapos naming kainin yung baon ng classmate namin. tinuruan niya 'kong magsabi ng "PLEASE" sabi niya sabihin ko daw yun lage kapag my papabili 'ko. higit sa lhat tinuruan niya ;kong wag magmura, magmahal ung natutunan ko sa kanya. Umalis at nag aral ng pagpipiloto sa ibang bansa si kharlo. Yung pinakapogi 'kong kaibigan, amputi nun tapos lageng naka-gel, andumi lage nung polo niya kakalaro.
Dun ko nalaman laht nga pala ng bagay may katapusan. Mapapasay ka saglit peo saglit lang wala na din agad yung saya .. para kang nagskating,. ang saya mong nagsslide tapos madadapa ka, may sugat. nandun pa din yung saya pero yung sakit may marka.
hindi ko iniyakan yung pagkawala ni kharlo, iniyakan ko yung pagkawala nung kaibigan 'ko. umiyak ako sa bisig ni "lolo" yung lolo'kong matapang pero payat tapos malaki yung leeg. Nag-iisa siya. siya lang ung payatot na siga. takot ako sa kanya pero mahal na mahal ko siya. pag pinapagalitan ako na mama ko nun pinapagalitan din niya yung mama ko :D siguro nga mali yun pero sa isip ko nun tama yun . ganun nman yata talga, nakikita natin yyung mali kapag tayo yung tama pero hindi natin nakikita yung tama pag tayo yung mali.
Sa tuwing pagmamasdan ko si lolo,napapansin ko kagad yung leeg niya.anlaki kasi nun, yun pala sakit yun. may goiter si lolo. si lolo ang laging nagpapaalala sakin sa kahalagahan ng edukasyon. sabi niya wag na wag daw akong aabsent. pero sinuway ko si lolo. pumunta ko nun ng sm tapos binilan ko xa ng card yung may nakalagy na "for the best lolo" . gusto kong gumising sa bangungot na nkita ko nung pumasok ako sa kwarto niya.si lolo ko? payat, hindi buto ... para kong tumitingin sa mummy. di nagsasalita, lubog yung mga pisngi tapos kitang kita sa mga mata niya yung lungkot. gusto 'kong umiyak pero sabi ni lola wag daw baka daw malungkot lalo si lolo, nakayuko kong inabot sa kanya yung dala ko. di ko na napigil nung nakita kong ngumiti siya sakin at pautal na sinambit ...
ingat ka apo ...
namatay si lolo ng hindi kami nakakapagpaalam sa isa't isa. umiyak ako, umiiyak ako.. kapag naalala ko si lolo yung matapang pero payat tapos malaki yung leeg.
natuto tuloy ako dapat pala hindi give and take pag nagmamahal, dapat pala hindi manghihingi ng sukli.
dalaga na 'ko nun, mga 16 yrs. old na. ang init kahit gabi 78 degrees na. nakakaita ako ng lalaki sa tapat ng bahay namin, may suot na necklace tapos may naka-engrave "michael"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento