Biyernes, Mayo 6, 2011

ang buhay mahalaga ang buhay

kakagising ko lang NANAMAN.
ganito 'ko bago magsulat, jumble jumble yung mga topic sa utak ko. parang sinasapak ako para pumikit. angmaganda lang dun pagdilat 'ko kala ko patay na ko kasi langit agad yung natatanaw ko. dito kasi ko sa rooftop ng bahay namen naglalatag ng kabaong.

yung rooftop namen palasyo 'ko yun. dun ako naglalasing sa pikit, dun ako humihithit ng hikab.
dun ko din kinakanta yung ambisyon 'ko, dun ko sinasayaw yung katotohanan :)

hindi ko lubos maisip kung bakit sa kabila ng paglobo ng populasyon, humahabol naman sa kanya yung death rate. panu ba naman? ambabata nung mga nabubuntis kagad. ambabata din nung mga namamatay agad ...

naalala ko nun bago ko grumaduate ng high school,may batchmate ako na sa sobrang excite (cguro?) grumaduate di na nakapaghintay kaya niregaluhan nya yung mga magulang niya ng death note. araw bago mag graduation? libing niya...

nakakainis isipin na siya yung nagdesisyon ng kapalaran niya.(syempre mas nakakainis kung ako magddecide db? lol) nagmartsa sya papunta kay kamatayan ng ganun ganun na lang.

ni hindi niya naranasang magbayad ng bahay at lupa para sa tuition fee.
hindi niya naranasang pumasok sa klase ng mugto yung mata kasi nkipagtxtmate sa iba yung kachat niya.
hindi niya naranasang masampal ng nanay kasi umuwi siya ng maaga,mga alas dos ng madaling araw.
hindi niya naranasan lahat ng SAYA...

kung iisipin namin maigi (kaming dalawa kung nbubuhay pa xa) bata pa lang tayo alam na natin kung paano maging masaya. naalala niyo pa yung pabunot? tapos may number yung mga laruan? hihingi at hihingi tayo ng piso kay mama para lang mabunot laruan sa number 678 na kung bibilangin mo ay doble na nung bunutan na 300 lang yung pwedeng bunutin. para sakin ganun yung saya. magbabayad ka muna ng gintong tuition fee bago ka makakilala ng makukulit at masarap pagtripang mga kaklase. iiyak ka muna ng isang galon na nagkakahalaga ng 25php libre ung delivery bago ka matutong maging matapang para magmahal ulit. masasampal ka muna ni nanay ng sampung ulit baliktaran pataas pababa bago mo manamnam ng husto yung saya ng pagsuway mo sa curfew.

bakit pa kailanagn nung ibang maglaslas ng pulso? uminom ng panlinis ng silver, magbigti tumalon sa building, magbaril, umutot/ eh isang pikit lang wala na yung problema? tulog mu yan.zzzzzzzzzzzzzzzzzzz :))





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento